^

PSN Palaro

Arwind Santos, No. 1 draft pick

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Si Arwind Santos nga ba ang lalabas na No.1 draft pick sa PBA this year? Walang duda. May iba pa ba? Pakakawalan pa ba yan ng team na unang pipili sa drafting? Hindi na siguro.
* * *
E-mail na natanggap namin mula kay Evelyn ng Pasig City. "Mukhang mahihirapan na ang Ginebra na makahabol pa sa standings ng PBA ngayon. Sa dami ng players nila na may injury, paano pa yan hahabol? Sa tingin mo ba eh tutuong tatakbo sa Baywalk ng hubad si Mark Caguioa?" Sa tingin ko? Hindi.
* * *
Hindi na muna natin makikita ang bading na ito na mahilig mag-sponsor ng mga players. Time out daw muna siya nga-yong UAAP at NCAA season. Na bankrupt na kasi siya at wala na muna siyang igagastos sa mga favorite niyang college players.
* * *
Isang guwapitong college basketball player ang nagtataka kung bakit daw ipinagkakalat ng isang bading na sponsor na sila ay mag-on. "Nakuha na raw niya ako, kung anu-ano raw ang ibinibigay niya sa akin. Yan ang tsismis niya sa mga kaibigan niyang bading. Kapag nakita ko yang bading na yan, bubugbugin ko yan eh," sabi ni guwapong player na nanalo ng isang award sa liga nila last year. Nasa PBL na siya ngayon.
* * *
One-woman man ang guwapong basketball player na ito na hinahabol-habol ng mga bading at girls. Commer-cial model na rin siya. Sa PBA, isa siya sa may pinakama-raming screaming fans. Kasi nga guwapo. Pero ang suwer-te raw ng girlfriend niya dahil kapag na-involved siya sa isang babae, wala na siyang ibang tinitignan kundi ang girlfriend niya lang. As in hindi na siya pumapatol sa iba. Kakaunti na ang ganyan sa PBA.
* * *
Papakasal na po ba sina Mark Pingris at Danica Sotto? Tanong pa rin ng isang basket-ball fan. Hindi pa po this year.

vuukle comment

BAYWALK

CENTER

DANICA SOTTO

MARK CAGUIOA

MARK PINGRIS

PASIG CITY

SI ARWIND SANTOS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with