Ito ang iniulat ni David Kaufman sa www.Box-Latino.com., isang Latino website para sa Latin-American countries.
Nang kinalaban ni Pacquiao si Marco Anto-nio Barrera, isa ring Mexican, walang nag-akalang mananalo ang Pinoy boxing idol.
Ang lahat ay kumbinsi-dong pupulbusin ni Barre-ra ang tinaguriang Pac-man ngunit pinabagsak ito ni Pacquiao.
"Now, I am in the same situation," ani Larios, na dumiretso sa training gym pagkadating na pagka-dating nito. "I have dedi-cated body and soul for the fight. I am going all out in training. I have been waiting for this opportunity and I wont waste it," pahayag ng 29-gulang na anak ng dati ring boksi-ngero.
Nang tanungin kung paano niya ilalarawan ang kanyang kalaban, sinabi ni Larios sa salitang Mexicano na si Pacquiao ay "as fatty, has bloated cheeks, smaller than I am, but arrogant."
Mas mahaba ang reach ni Larios at hinuhu-laan nitong magiging mainit ang first round. "But from the sixth and 10th round, I can already define the lines, and beat Pac-quiao."
Tutulak ang Mexican sa Japan sa Hunyo para magsanay bago tumulak ng Manila, dalawang araw bago ang laban.
"Probably, the Filipino (Pacquiao) is thinking he is taking it easy, but thats better for me," dagdag ni Larios. "I promise my family I will fight to the death. It will be a boom for my career and, if I win, automatically I will be a high-prized winner and will demand a bigger purse when I meet with Pacquiao again."