Noong nakaraang taon, 56 ang kabataang mula edad 18 pababa ang nakalahok, kabilang ang dalawang Pilipinong sila Tommy Babilonia at Migs Maniego.
Sa mga nasali, 29 ang 67" pataas ang tangkad, kabilang ang isang 13-taong batang 71", na pumangalawa sa three-point shootout.
Gumanap na guro noong 2005 si six-time NBA Most Valuable Player Kareem Abdul-Jabbar, mga NBA slam dunk champion na sina Josh Smith and Desmond Mason, retired NBA All-Star Detlef Schrempf, at ilang top amateur coaches mula sa US.
Ngayong taon, naghahanap ang adidas Asia ng 60 player mula sa China (40 ), Korea (2 ), Australia (2), Singapore (2), Philippines (2), Hong Kong (2) and Taiwan (2). May anim pang puwestong nakareserba kung sakaling may ibang pang mahuhusay na matagpuan.
Sa darating na camp, tampok ang NBA rebound leader na si Dwight Howard ng Orlando Magic.
Sa kanyang pangalawang taon pa lamang sa NBA, ang 20-taong gulang na high schooler ay pangalawa sa buong NBA sa offensive at defensive rebounds, at hinirang na All-Rookie at All-Sophomore.
Gaya rin ng napatunayan niya nang dumalo siya sa NBA Madness dito, magaling din siyang makisalamuha sa mga tao.
Makakasama ni Howard si TJ Ford ng Milwaukee Bucks. Isang dating NCAA Player of the Year, nagtala ang point guard ng 12 puntos, limang rebound at halos pitong assist bawat laro bago nagkaroon ng injury, na sa wakas, ay naalpasan na niya.
Subalit marahil ang pinakakilalang magtuturo sa adidas Superstar Camp Asia ay si KC Jones.
Marahil maaalala ninyo si Jones bilang coach nila Larry Bird sa Boston Celtics nang magkampeon ito sa NBA noong 1984 at 1986.
Subalit si Jones ay nagwagi rin ng Olympic gold medal sa basketbol noong 1956, kasama ni Bill Russell, na naging kakampi rin niya nang makuha sila ng Boston Celtics at manalo ng walong sunod na NBA championship.
Bahagi rin ng camp ang pagtuturo ng "Basketball English" para sa mga player na hindi sanay maglaro ng wikang Ingles.
Ito ay likha ng mga linguistic experts na namalagi ng matagal sa Asya. Matututunan ng mga bata ang mga offensive at defensive terms, magsagot sa mga tanong ng media, at pati trash-talking.
Kakailanganin nila ito kung sakaling makapaglaro sila sa US NCAA o kayay sa NBA. Ang bagong maidaragdag sa camp ay ang adidas "Next Level Strength and Fitness program, na pamamahalaan ni Wayne Hall, ang exclusive fitness trainer ni Tracy McGrady.
Ayon kay Hall, "Young Asian basketball players have the height, talent and athletic ability to succeed. However, most of them lack the know-how and motivation to take their bodies (and therefore their game) to "the next level." Through this class, they will have the unique opportunity to "train like Tracy" - and learn how to improve their strength and stamina through on-court drills that can take them to "the next level". This is part of an ongoing curriculum in which adidas offers ways to help local Asian players reach their dreams through on-court instruction from some of the worlds best teachers (including the NBA players who can take part and work with Wayne to run these kids through drills)."
Kaya mapalad ang naiimibitahang sumali sa adidas Superstar Camp Asia. At mababalitaan ninyo ang lahat ng iyan dito sa PSN.