Air21 bagsak sa Giants
May 11, 2006 | 12:00am
Ipinaramdam ng Purefoods Chunkee sa Air21 ang pagkawala ng kanilang chief gunner na si Renren Ritualo nang patikman ng Giants ang Express ng 93-86 kabiguan sa pag-usad ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Hindi pinayagan ng Purefoods na magtagumpay ang ilang ulit na paghahabol ng Express upang sumulong sa kanilang ikalimang sunod na panalo, ika-10 sa kabuuang 13 laro.
Hawak na ng Giants ang solong pamumuno ngunit maari silang saluhan muli ng San Miguel Beer kung magtatagumpay ang Beermen laban sa Sta. Lucia Realty na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.
Ang panalong ito ay naglapit sa Purefoods sa awtomatikong semifinal slot na ipagkakaloob sa top-two teams at isang panalo na lamang ang kanilang kailangan upang makasiguro nito.
Nagbida sina James Yap ay Kerby Raymundo para sa Purefoods sa pagkamada ng 20-20 performance. Tumapos si James Yap ng 22-puntos, 10 nito ay sa ikaapat na quarter na sinundan ng 21-puntos ni Raymundo.
Naramdaman ng Express ang pagkawala ni Ritualo na ibinigay nila sa Talk N Text kapalit ng dalawang future first round picks sa 2007 at 2008 sanhi ng kanilang ikasiyam na kabiguan sa 13-pakikipaglaban.
"Its a big achievement for the franchise to get the 500th win. Ayaw namin na makuha ang 500th loss and at least were one win away in achieving our goal," wika ni coach Ryan Gregorio.
Sa kaugnay na balita, pinatawan naman ng PBA Commissioners Office si Mark Caguioa ng Barangay Ginebra ng P80,000 multa dahil hindi ito dumating sa Cagayan de Oro City para makibahagi sa All-Star Weekend noong April 27-29. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended