Bata Reyes may isa pang pangarap
May 10, 2006 | 12:00am
Dumating sa bansa ang Pinoy billiard legend na si Efren Bata Reyes, bitbit ang tagumpay at korona sa katatapos na first leg ng San Miguel Beer Asian 9-Ball Tour na ginanap sa Ho Chi Mihn City, Vietnam.
Nasungkit ni Reyes ang $10,000 bilang premyo sa torneo.
Ayon kay Reyes, mahuhusay ang kanyang mga nakalaban pero kapag siya na ang nakakaharap nararamdan niya na nininerbiyos ang mga ito kaya hindi sila makaporma ng husto.
At kahit walang VIP na sumalubong, masayang binati nito at nakipagkamay sa mga porters, janitors at iba pang tao sa paliparan.
Nagpasalamat si Reyes sa tinamong karangalan ngunit may pangarap pa itong hindi natutupad na nais niyang maisakatuparan sakaling mapabilang siya sa Olympic team.
"Mabigyan ko lang ng gold medal ang Pilipinas kahit isa lang, okay na iyon sa akin. Iyon lang ang pangarap ko," wika ni Reyes.
Pinaghahandaan ngayon ng tinaguriang "The Magician ang kanyang susunod na laban na gaganapin sa Las Vegas, USA. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended