^

PSN Palaro

Martinez, Pabila, Marcial umusad sa q’finals

-
Kapwa umusad sina Lightweight Mitchel Martinez, Albert Pabila at featherweight Anthony Marcial nang igupo nila ang kani-kanilang kalaban sa Ammet Comet Cup XX International Senior and Female Boxing Tournament sa Istanbul, Turkey.

Pinayuko ni Martinez, ang reigning Asian at Southeast Asian Games titlist si Isyk Denyz ng host country sa pamamagitan ng suntok sa katawan sa ikalawa at ikatlong round tungo sa 12-9 panalo.

Dahil sa panalong ito, naipaghiganti rin ni Martinez ang kabiguan ng kababayang si Gretchen Abaniel kay Derya Aktop ng Turkey sa second round.

Ang biyaheng ito ng mga boksingero na suportado ng Philippine Sports Commission at Pacific Heights, ay bahagi ng paghahanda ng Nationals para sa Doha Asian Games.

Napanatili naman ni Pabila na nakataas ang bandila ng Pilipinas nang magtala ito ng lopsided na tagumpay kay Mongolian J Otgonbayar, 38-14.

Ngunit ang araw ay para kay Marcial na nagposte ng pina-ikling panalo (2nd round referee-stopped-contest ourtscored, 28-8) laban sa Korean na si Chan Soun Park.

ALBERT PABILA

AMMET COMET CUP

ANTHONY MARCIAL

CHAN SOUN PARK

DERYA AKTOP

DOHA ASIAN GAMES

GRETCHEN ABANIEL

INTERNATIONAL SENIOR AND FEMALE BOXING TOURNAMENT

ISYK DENYZ

LIGHTWEIGHT MITCHEL MARTINEZ

MONGOLIAN J OTGONBAYAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with