Reyes wala pa ring kupas
May 8, 2006 | 12:00am
HO CHI MINH -- Muli na namang pinatunayan ni Efren Bata Reyes ang kanyang pagiging matikas sa larangan ng billiards ng kanyang isubi ang US$10,000 (P510,000) kahapon matapos na talunin si Li He Wen ng China, 11-6 sa finals ng 2006 San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Nguyen Du Sports Hall dito.
Tinaguriang The Ma-gician, ipinakita ni Reyes ang kanyang angking galing ng kanyang paha-ngain ang mga manono-od sa punum-punong da-ting lugar na Saigon City ng kanyang pakitaan ng mahuhusay na tira ang pambato ng China, ng agad niyang kunin ang 4-1 pangunguna sa race-to-eleven, alternate break match.
Gayunpaman, muling nakabalik ang local bet ng kanyang maipanalo ang apat mula sa limang racks at itabla ang iskor sa 5-5.
At dahil sa malaking suportang ibinigay ng mga Filipino crowd at local fans, nagpasargo naman si Re-yes ng apat na sunod na racks upang agawin ang tempo sa 10-5 kung saan naka-iskor uli si Li sa 16th frame upang ibaba ang iskor sa 10-6, subalit iyon na ang huling pagkakata-ong nahawakan ni Li, bago tinapos ni Reyes ang laban sa 11-6.
Nauna rito, winalis muna ng 51-gulang na si Reyes ang local ace na si Nguyen Phuc Long, 11-5 sa semifinals upang ipor-malisa ang kanilang pag-haharap ni Li na nakalusot naman kay Wang Hung Hsiang, 11-4 sa isa pang semis match sa event na ito na inorganisa ng ESPN STAR Sports.
" I am just lucky be-cause the ball is in my side," ani Reyes.
Ang panalong ito ni Reyes ay ang kanyang ikaanim na titulo sa Asian Tour.
Ang susunod na leg ng Tour na tanging ranking tour sa Asia kung saan ang top 10 players ay ma-kakasama sa World Pool Championships, ay tutu-lak naman sa Bangkok para sa ikalawang leg sa June 2-4.
Dahil sa kanyang pag-katalo, nagkasya lamang si Li He Wen sa runner-up prize na P5,000.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended