FEU mabiktima kaya ng Adamson?
May 7, 2006 | 12:00am
Nais ng nananalasang Adamson na maisama sa kanilang mga naging biktima ang Far Eastern U sa pag-asinta ng ikaapat na sunod na panalo sa pagbabalik ng aksiyon ng womens volleyball sa V-League na ipiniprisinta ng Shakeys sa Blue Eagle Gym.
Sa pangunguna ng power-hitting na si Cherry Rose Macatangay, hiniya ng Lady Falcons ang San Sebastian Stags sa straight sets, 25-15, 25-17, 26-24 noong nakaraang Lunes at nakisalo sa pangunguna sa De La Salle Lady Archers, ang defending champions taglay ang magkawangis na 3-0 panalo-talo kartada sa event na ito na presinta ng Shakeys Pizza at suportado ng Mikasa, Accel, ABC-5 at ABC Sports.
Inaasahang sasakay ang San Marcelino-based spikers sa tikas ni Maca-tangay sa nakatakdang pakikipaglaban ng Adam-son sa FEU sa alas-6 ng gabi bilang main game.
Gayunpaman, inaasa-hang makakatikim ang Lady Falcons ng mabigat na hamon sa 2005 UAAP losing finalist kung saan nais rin ng Far Eastern U na masupil ang panana-lasa ng Adamson.
Sa katunayan galing ang Lady Tams sa magka-sunod na panalo na kinabibilangan ng 25-8, 27-25, 19-25, 25-23 pag-gapi laban sa Ateneo noong Miyerkules.
Nakatabla naman ang Lady Tams, na nanalo sa University Games noong nakaraang taon sa Philip-pine Christian U Lady Dol-phins, nakaraang taong NCAA runner-up, sa ikatlong puwesto taglay ang 2-1 (win-loss) slates.
Samantala, sasagu-pain naman ng Ateneo ang PCU sa alas-4 ng hapon sa opening game ng event na ito na inor-ganisa ng Sports Vision.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am