^

PSN Palaro

‘Pare laro lang, walang personalan’

-
HO CHI MINH CITY--Batid ni Efren ‘Bata’ Reyes na mahalaga ang panalo, kaya pansamantalang isinantabi muna niya ang pagiging matalik nilang magkaibigan ni Francisco ‘Django’ Bustamante ng kanya itong igupo, 9-5 sa quarterfinals ng San Miguel Asian 9-Ball Tour dito sa Nguyen Du Sports Hall.

Nanguna sa kani-kani-lang hanay sa elimination round noong Biyernes ng gabi, minalas sina Reyes at Bustamante na magka-sama sa iisang bracket matapos na harapin nila ang isa’t isa sa final eight ng annual event na ito na inorganisa ng ESPN STAR Sports.

Naging mabilis ang panimula ng 51-anyos na si Reyes ng iposte ang 4-0 pangunguna at saman-talahin ang pagkabigo ni Bustamante na maitakas ang 2nd rack at pagka-scratch ng break sa 4th rack. At napalawig ng 2004 Tour champion ang kanyang bentahe sa 6-2, bago nagtala ng magka-sunod na scratches sa 9th at 10th racks na nagbigay daan naman kay Busta-mante na maipanalo ang sumunod na tatlong racks at paliitin ang kalamangan ni Bata sa 6-5.

Nagkaroon si Busta-mante ng magandang oportunidad na maitabla ang iskor sa 12th rack, ngunit hindi naging mala-kas ang kanyang break ng ang cue ball ay tumalbog sa lamesa para sa awto-matikong foul, dito na winalis ni Reyes, nanalo dito noong 2004 ang sumunod na dalawang racks bago pansaman-talang mamahinga at muling nagbalik sa kaba-bayan ang pagsargo.

Subalit tila wala sa mga kamay ni Busta-mante ang suwerte ng ang magaang na corner pocket shot sa orange five sa 14th ay dumaplis na nagbigay daan naman kay Reyes na tuluyang itiklop ang laban.

Samantala, patuloy ang pananalasa ni home-town bet Nguyen Phuc Long ng manaig naman kay defending champion Yang Ching Shun, 9-7.

Dahil sa panalong ito, makakaharap ng Vietna-mese si Reyes sa semis.

BALL TOUR

BATA

BATID

BUSTA

BUSTAMANTE

NGUYEN DU SPORTS HALL

NGUYEN PHUC LONG

REYES

SAN MIGUEL ASIAN

YANG CHING SHUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with