Dahil isa nang ganap na ama si Aban, inspi-rado ito sa pagsilang ng kanyang unang anak para ikamada ang 15-puntos sa ikaapat na quarter upang makalayo ang Toyota tungo sa kanilang ikawalong pa-nalo matapos ang 11-laro.
Nasolo ng Sparks ang ikalawang posisyon sa likod ng nangungu-nang Montaña Pawn-shop na may 8-2 kartada habang bumagsak na-man sa ikatlong puwesto ang Elasto Painters na lumasap ng ikatlong talo sa 10-laro.
Umiskor si Aban ng anim na puntos upang ilayo ang Toyota sa 59-49 patungo sa huling 4:20 minuto ng labanan.
Umabante na sa 51-39 ang Sparks bago matapos ang ikatlong quarter ngunit unti-unting nakalapit ang Rain Or Shine na dumikit sa 48-53 matapos ang three-point play ni Ron-jay Enrile at basket ni Marvin Ortiguerra.
Sa unang laro, ikina-mada ng Harbour Centre ang ikatlong sunod na panalo nang kanilang igupo ang Hapee-PCU, 69-64.
Nagtala si Chico La-nete ng 16-puntos u-pang pamunuan ang Port Masters sa ikali-mang panalo matapos ang 11-laro habang na-lasap naman ng Teeth Masters ang ikawalong kabiguan sa 11-pakiki-paglaban.
Ikinonekta ni L.A. Tenorio ang dalawang freethrows sa huling .6 segundo ng labanan para sa panigurong ka-lamangan ng Port Masters matapos mag-banta ang Hapee-PCU mula sa tres ni Mark Moreno.