^

PSN Palaro

Ayaw ng laru-laro lang

GAME NA! - Bill Velasco -
Marami ang di nagulat nang hindi pumatok ang "Bad Boy Tour" ni Dennis Rodman at iba pang retiradong NBA player sa Araneta Coliseum.

Marami rin namang dahilan marahil na hindi nila napaghandaan kaya diumano’y nalugi ang promotor.Una, hindi talaga mahilig ang Pilipino sa exhibition game. Pihikan ang tao rito pagdating sa laru-laro lang.

Una, mahirap ang buhay ngayon, bakit nila gagastusin ang pera nila nang walang pinaglalabanan? Kung inyong napansin, ni hindi magamit ng mga dayo ang "NBA" sa kanilang uniporme, dahil wala itong opisyal na pahintulot ng NBA, ayon sa senior manager for Southeast Asia na si Carlo Singson.

Pangalawa, may kamahalan ang mga tiket. Kung inyong napansin, pababa ng pababa ang presyo ng tiket, makabenta lamang. Ang masakit pa nito, tuwing nababalitaang may diskuwento ang isang palabas, natatanim sa isip ng tao na may problema sa kanilang papanoorin.

Pangatlo, maikli ang panahon ng paghahanda. Tinawagan ng inyong lingkod ang mga namamahala sa SMC All-Stars halos isang linggo bago sila maglaro sa Cebu. Ayon sa kanila, wala pang kasiguraduhan na matutuloy ang laban. Maging ang book-signing ni Rodman sa Fully Booked sa Gateway ay hindi natuloy, na ikinasama ng loob ng may-ari ng bookstore na si Jaime Daez.

Pang-apat, nailang ang ilang miyembro ng media nang magpakilala ang ilang kinatawan ng event bilang kinatawan ng NBA, bagamat hindi sila umano opisyal ng liga. Kinumpirma ito ng ilang media sa mga kinauukulan.

Panlima, hindi sanay makipag-ugnayan sa media ang mga organizer. May mga napag-usapang panayam na hindi natuloy, at maging ang camera crew ng isang TV network na pinahintulutang kunan ng video ang laro ay biglang pinatigil nang halftime.

Magpahanggang ngayon ay di matukoy at di maipaliwanag ng mga opisyal ng official TV coverage team kung sino ang sigang gumawa nito. Sa tutoo lang, bagamat interesante ang ibang tao na makita si Dennis Rodman, hindi siya ang tipo ng player na papanoorin natin.

Una, rebounder siya, hindi scorer. At ilan sa mga mahilig sa basketbol ang nanonood para makakita ng isang rebounder? Bukod pa rito, ilan din ang nadala na sa mga topak ni Rodman.

Paano kung magmaktol siya at hindi maglaro, o maglaro lamang ng bahagya? Palaisipan din ito ng mga tao. Marahil ay magsisilbing aral ito sa mga nagbabalak pumasok sa sports promotion.

Kailangang pag-aralan muna ang merkado bago ituloy ang ganitong event, at bigyan ng sapat na panahon na mapaghandaan.

Kundi, magtatapon lang sila ng pera.

ARANETA COLISEUM

BAD BOY TOUR

CARLO SINGSON

DENNIS RODMAN

FULLY BOOKED

JAIME DAEZ

MARAMI

SOUTHEAST ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with