^

PSN Palaro

La Salle belles nakisosyo na lider

-
Pinaluhod ng defending champion De La Salle University ang Lyceum nang magpamalas ito ng malakas na laro at itala ang 25-17, 25-21, 25-20 pananalasa kahapon upang makisosyo sa liderato sa Adamson University sa pagpapatuloy ng V-League na ipiniprisinta ng Shakey’s sa Blue Eagle Gym.

Sa pinagsamang ganda at matutulis na spikes, kumana si Manilla Santos ng 13 hits nang tulungan niya ang Thai import na si Jindarat Kanchana para banderahan ang Lady Archers sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa event na ito na hatid ng Shakey’s Pizza at suportado ng Accel, Mikasa at ABC-5.

Tumapos si Kanchana, isa sa dalawang Thai imports na naglalaro sa torneong ito, nang may 12 puntos tulad ng output ni Jacqueline Alarca na humalili kay Desiree Hernandez, ang two-time UAAP MVP.

Ang tagumpay na ito ng Lady Archers ay banta sa kampanya ng Lady Falcons sa event na ito na inorganisa ng Sports Vision Management Group Inc.

Si Hernandez, susi sa three-peat title ng La Salle sa UAAP ay naglaro sa unang set ngunit hindi naglaro sa ikalawang set at nagtapos lamang ng may 1 point sa ikatlo.

Sa kabilang dako, ang guest player ng Lyceum na si Concon Legaspi ang tanging player na umiskor ng double figures para sa Lady Pirates.

Kumana din ito ng 10 hits.

Nadurog naman ang mataas na spiking pair nina Dahlia Cruz at Beverly Boto sa solidong net defense ng Lady Archers na napigil lamang sa 7 at 5 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Kasalukuyang naglalaro pa ang FEU at Ateneo habang sinusulat ang balitang ito.

ADAMSON UNIVERSITY

BEVERLY BOTO

BLUE EAGLE GYM

CONCON LEGASPI

DAHLIA CRUZ

DE LA SALLE UNIVERSITY

DESIREE HERNANDEZ

JACQUELINE ALARCA

LADY ARCHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with