^

PSN Palaro

PSC nakipag-ugnayan na sa OSG tungkol sa problema nila sa NSAs

-
 Nakipag-usap na ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Office of the Solicitor General (OSG) sa hangaring maresolbahan ang problema ng mga National Sports Asso-ciations (NSAs) sa usapin ng liquidation. 

Ayon kay PSC Commis-sioner Richie Garcia, ginagawa na ng PSC ang lahat para matulungan ang mga NSAs sa kanilang mga nakuhang cash advances.

 "We are giving them all the chances, all the venues para makatulong kami sa kanila sa pagli-liquidate nila ng mga cash advances," sabi kahapon ni Garcia sa mga NSAs. 

Sisimulan ngayong araw ni Garcia ang pakikipag-usap sa mga sports associations para sa paglilista ng kani-kanilang pigura. 

"The thing that they have agreed on is the reconciliation of figures. Minsan kasi may isang NSAs na nagsasabing ito na lang ang kulang nila, habang iba naman ‘yung nasa accounting namin," wika ni Garcia. 

Nilinaw rin ng PSC Com-missioner na hindi dapat ma-galit sa kanilang ipinatutupad na ‘no liquidation, no financial assistance policy’ ang mga NSAs. 

"Hindi lang naman kasi PSC policy ito kundi this is a government policy," ani Garcia. "Basta ginamit mo ‘yung pondo ng gobyerno, you have to liquidate that." 

Mula sa halos P96 milyong cash advances ng mga NSAs, bumaba na ito sa P67 milyon, dagdag ni Garcia. (RC)

vuukle comment

AYON

GARCIA

MINSAN

NATIONAL SPORTS ASSO

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICHIE GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with