Ginapi ng Lady Archers ang Ateneo Lady Eagles, 25-13, 25-22, 18-25, 21-25, 15-11 noong Sabado na nagbigay sa kanila ng ikalawang sunod na panalo sa event na ito na preisnta ng Shakeys at may suporta mula sa Accel Mikasa at ABC-5.
Gayunpaman, pabo-rito ang La Salle na manalo sa Lyceum dahil sa taglay nilang matitikas na talento, at inaasahang ibubuhos ng Lady Pirates ang lahat ng kanilang makakaya upang idiskaril ang tangka ng paboritong Taft-based spikers sa kanilang alas-4 ng hapong labanan.
Muling ibabandera ng Lyceum ang kanilang solidong koponan--ang reigning UAAP three-time champion na pinalakas pa lalo sa pagkakadagdag ng Thai import na si Kan-chana Jindarat.
Samantala, nakatakda namang maghiwalay ng landas ang Lady Tams at ang Lady Eagles sa alas-6 ng gabing labanan sa event na ito na inorganisa ng Sports Vision Manage-ment Group, Inc.