Ang nasabing panalo ng Jewels ang nagpatibay sa kanilang kampanya para sa isa sa dalawang outright semis berth na nakataya.
Kumawala ang gilas ng 6-foot-5 na si Magpayo sa loob at labas ng shaded area upang maila-gak ang kanilang ikawa-long panalo sa 11 laro (8-3). Sa kabuuan, nagtala si Magpayo ng 21 puntos, habang may 18 naman si Dela Cuesta.
Sa pamamagitan nito, nangangailangan na lamang ang Jewels na maipanalo ang dalawa mula sa huling tatlong larong natitira para maka-tiyak ng playoff sa second outright semis slot.
Nalasap naman ng Spinners ang kanilang unang back-to-back na kabiguan upang malaglag sa 4-6 record na lamang katabla ang Harbour Centre.
Samantala, ipinaram-dam naman ni TY Tang ang kanyang presensiya nang ikamada nito ang huling apat na puntos kabilang ang dalawang krusyal na charities sa 32 segundo ng final period upang muling igupo ang Granny Goose Tortillos, 76-74, sa unang sagu-paan. (CVOchoa)