^

PSN Palaro

Jewels ‘di natinag

-
Sumandal ang Mon-taña Pawnshop sa mga beteranong manlalaro nito na tinatampukan nina Al Magpayo at Erik dela Cuesta upang ipreserba ang kanilang 85-79 ta-gumpay kontra sa 2005 Heroes Cup champion Magnolia Ice Cream sa pagpapatuloy ng 2006 PBL Unity Cup sa San Andres Gym, Malate.       

Ang nasabing panalo ng Jewels ang nagpatibay sa kanilang kampanya para sa isa sa dalawang outright semis berth na nakataya.       

Kumawala ang gilas ng 6-foot-5 na si Magpayo sa loob at labas ng shaded area upang maila-gak ang kanilang ikawa-long panalo sa 11 laro (8-3). Sa kabuuan, nagtala si Magpayo ng 21 puntos, habang may 18 naman si Dela Cuesta.       

Sa pamamagitan nito, nangangailangan na lamang ang Jewels na maipanalo ang dalawa mula sa huling tatlong larong natitira para maka-tiyak ng playoff  sa second outright semis slot.       

Nalasap naman ng Spinners ang kanilang unang back-to-back na kabiguan upang malaglag sa 4-6 record na lamang katabla ang Harbour Centre.       

Samantala, ipinaram-dam naman  ni TY Tang ang kanyang presensiya nang ikamada nito ang huling apat na puntos kabilang ang dalawang krusyal na charities sa 32 segundo ng final period upang muling igupo ang Granny Goose Tortillos, 76-74, sa unang sagu-paan.    (CVOchoa)  

AL MAGPAYO

DELA CUESTA

GRANNY GOOSE TORTILLOS

HARBOUR CENTRE

HEROES CUP

MAGNOLIA ICE CREAM

MAGPAYO

SAN ANDRES GYM

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with