Bote, Alcala nagmartsa sa semis

Umiskor si Michael Bote ng pinaghirapang 21-16, 21-19 panalo laban kay Gerard Sibayan, habang walang hirap namang nanalo si Malvinne Alcala ng hindi dumating ang kanyang kalaban at banderahan ang cast ng semi-finals ng boys’ and girls’ 12-under division ng JVC Open Junior Badminton Championships sa SM Marilao nitong weekend.

Ang tagumpay ni Bote ay nagdala sa kanya sa pakikipagtagpo kay Bernardito Ablang ng Ilocos Sur, na sumibak naman kay Thomas Sayco, 21-9, 21-11 sa semis ng isa sa tatlong kategorya na inihanay ng JVC (PHILS.), Inc. na eksklusibo lamang para sa mga top junior shuttlers ng bansa.

Ang iba pang semis ay magtatampok kina Lance Bautista vs Rolando Fernandez kung saan tinalo ng una si Bryan Ocenar, 21-11, 21-19 , habang ginapi naman ng huli si Ralph Marasigan, 21-12, 21-5.

Sa kabilang dako, sasagupain ni Alcala ng Marikina Sports Hub sa semis si Michelle Millan ng Centro Atletico na umusad sa bisa ng walkover laban kay Elizabeth Manalang.

Winalis naman ni Samantha Santos ng Poveda si Michelle Hernandez, 21-14, 21-14 upang isaayos ang kanyang semis duel kay Gelita Castillo na nanaig laban kay Regina dela Merced.

Show comments