Sumakay sa kanilang 25-23, 25-22, 14-25, 21-25, 21-19 panalo laban sa Thai-reinforced San Sebastian Lady Stags noong nakaraang Linggo, nagpamalas ng solidong laro ang Lady Dolphins sa likuran ng balanseng atake at kinailangang bumawi sa unang set na kabiguan tungo sa panalo.
Pinamunuan ng magandang si Brenda Lopez ang atake ng PCU sa kanyang 16 hits na tinampukan ng 13 kills nang lumapit ang Taft-based squad na losing finalist sa NCAA noong nakaraang taon, sa namumuno at defending champion De La Salle at Adamson University na kapwa wala pang talo sa dalawang panimula sa event na ipiniprisinta ng shakeys Pizza at suportado ng Mikasa, Accel at ABC-5.
Ang UE spikers, na trumabaho sa mahusay na court coverage, ay nanaig sa Lady Dolphins na nagsimulang magtrabaho sa ikalawang set sa pamamagitan ng sunud-sunod na atake sa depensa ng Lady Warriors sa pamamagitan ng malalakas na kills nina Lopez at Amy Guanco.
Si Guangco, miyembro ng RP team na kumuha ng gintong medalya noong 1993 SEA Games sa Singapore ay nagpaulan ng 14 hits sa final three sets kung saan nagpakita ng lakas ang PCU para sa panalo.
"We didnt get to warm up that much, thats why we struggled in the first set," ani PCU coach Butch Odron, na gumiya sa koponan sa back-to-back NCAA titles noong 2003-2004.
Humugot din ng tulong sina Lopez at Guanco kina Mary Grace Magtibay, Ariene Bernardo and Cathlea Villaluz, na nag-ambag ng 13 puntos bawat isa, sa torneong inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.