^

PSN Palaro

UE spikers sinukatan ng PCU belles

-
Bumangon ang Philippine Christian University mula sa hindi magandang panimula upang pigilan ang University of the East, 17-25, 25-20, 25-21, 25-19, kahapon at ilista ang kanilang ikalawang panalo sa tatlong laro sa V-League na ipiniprisinta ng Shakey’s sa Blue Eagle Gym.

Sumakay sa kanilang 25-23, 25-22, 14-25, 21-25, 21-19 panalo laban sa Thai-reinforced San Sebastian Lady Stags noong nakaraang Linggo, nagpamalas ng solidong laro ang Lady Dolphins sa likuran ng balanseng atake at kinailangang bumawi sa unang set na kabiguan tungo sa panalo.

Pinamunuan ng magandang si Brenda Lopez ang atake ng PCU sa kanyang 16 hits na tinampukan ng 13 kills nang lumapit ang Taft-based squad na losing finalist sa NCAA noong nakaraang taon, sa namumuno at defending champion De La Salle at Adamson University na kapwa wala pang talo sa dalawang panimula sa event na ipiniprisinta ng shakey’s Pizza at suportado ng Mikasa, Accel at ABC-5.

Ang UE spikers, na trumabaho sa mahusay na court coverage, ay nanaig sa Lady Dolphins na nagsimulang magtrabaho sa ikalawang set sa pamamagitan ng sunud-sunod na atake sa depensa ng Lady Warriors sa pamamagitan ng malalakas na kills nina Lopez at Amy Guanco.

Si Guangco, miyembro ng RP team na kumuha ng gintong medalya noong 1993 SEA Games sa Singapore ay nagpaulan ng 14 hits sa final three sets kung saan nagpakita ng lakas ang PCU para sa panalo.

"We didn’t get to warm up that much, that’s why we struggled in the first set," ani PCU coach Butch Odron, na gumiya sa koponan sa back-to-back NCAA titles noong 2003-2004.

Humugot din ng tulong sina Lopez at Guanco kina Mary Grace Magtibay, Ariene Bernardo and Cathlea Villaluz, na nag-ambag ng 13 puntos bawat isa, sa torneong inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

AMY GUANCO

ARIENE BERNARDO AND CATHLEA VILLALUZ

BLUE EAGLE GYM

BRENDA LOPEZ

BUTCH ODRON

DE LA SALLE

LADY DOLPHINS

LADY WARRIORS

LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with