^

PSN Palaro

Magpapaka-bad boy si Rodman

-
May ibubuga pa kaya si Dennis Rodman at ang mga kasama nitong NBA Legends?

O ang mas magandang tanong ay kung may ibubuga ba ang Pilipinas Basketball, isang selection team mula sa PBA national pool na inihahanda ni coach Chot Reyes para sa nalalapit na Asian Games na gaganapin sa Doha, Qatar.

Nakatakda ang sagupaan ngayon ng NBA Legends na babanderahan ng tinaguriang ‘bad boy’ ng NBA na si Rodman na inaasahang magpapaka-bad boy sa kanilang pakikipagharap laban sa PBA team sa alas-5:30 ng gabi sa Araneta Coliseum bilang main event ng ‘Bad Boy Tour.’

Kasama ni Rodman na susubok sa kakayahan ng national team ni Reyes ang mga NBA legends na sina Otis Birdsong, Sidney Moncrief, Darryl Dawkins at Hall-of-Famers Alex English at Calvin Murphy.

Ngunit ang mga standouts ng NBA Development League na siyang nagbida sa pagdurog ng mga bisitang team sa San Miguel All-Stars noong Huwebes ng gabi sa Mandaue, 124-94 ang inaasahang magiging tinik sa lalamunan ni Reyes.

Maganda ang ipinakita ni Olu Famutini sa kanyang iba’t ibang slam dunks para sa kanyang 33 points, nag-ambag naman si Myron Allen ng 25 at nagsumite naman si Chad Wilkerson ng 18.

Bukod pa rito, inaasahan din ni Reyes na may kakayahan din sina Kareem Reid na nagbigay daan kina Famutini, Allen at Wilkerson.

Bukod kay Asi Taulava, inaasahang sasandal din si Reyes sa dating MVP na si Willie Miller, Alaska standout Nic Belasco at Mike Cortez, Air21 gun-slinger Ren-Ren Ritualo, Talk ‘N Text guard Jimmy Alapag at Magnolia ace Kelly Williams.

Bagamat malaking hamon ang haharapin ng national squad, inaasahang magbibigay sa kanila ng lakas ang suporta ng mga local fans na siguradong aabangan ang pagiging Bad boy ni Rodman.

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

ASIAN GAMES

BAD BOY TOUR

BUKOD

CALVIN MURPHY

CHAD WILKERSON

CHOT REYES

DARRYL DAWKINS

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with