Noong nakaraang taon, naging kasukdulan nito ay isang tatlong-araw na pagdiriwang sa Araneta Center, na may kahalong concert, celebrity game, at pagdalo ni Dwight Howard ng Orlando Magic, Luke Walton ng Los Angeles Lakers, at Houston Rockets Power Dancers.
"This year, were going to go back to our roots, in a manner of speaking," paliwanag ni Carlo Singson, ang Pilipinong NBA senior manager for Southeast Asia. "We want to spread out the events, and be more directly intouch with the crowds, as a way of thanking the fans for the tremendous support weve received over the past few years."
Ngayong taon, magsisimula ang NBA Madness sa mga viewing party sa May 29 at June, kasabay ng paglalaro ng finals.
Sa mga nakaraang taon, ang ESPN ang nagdaraos nito. Ngayon, kasama ng NBA ang Solar Sports. Matapos ito, babalik sa mga mall ang NBA Madness, upang lalong mapalapit sa mga fans.
"Were still working out the details, but well probably have another set of cheerleaders, and hopefully one or two NBA players," dagdag ni Singson.
Ang isa pang magiging kaibahan sa taong ito ay gaganapin ang celebrity game sa loob ng Araneta Coliseum sa July 22, kabi-lang ang inyong mga paboritong sports, music at entertainment celebrities.
Marahil ay susuotin nila ang mga uniporme ng mga koponang maghaharap sa NBA Finals. Ngayon pa lang, may mga nagpripri-sinta na.
Nang tanungin ng PSN si Singson kung posibleng magkaroon ng isang laro ng NBA dito, sinabi niyang mahirap gawin, pero hindi naman sarado ang pinto sa posibilidad.
"When we held the NBA China Games (in October of 2004), that took a year to plan," lahad ni Singson. "We had to fly in two teams, entertainers, the court merchandise, security, and on-ground personnel. This year, many of the NBA players are part of the USA Basketball pool to the World Championships, so it was hard to schedule a trip to Asia."
Mahigit 300 katao ang kinailangan para sa NBA China Games lulan ng dalawang chartered jet. Bagamat gusto ng NBA na pala-wakin pa ang kanilang mga programa dito sa Pilipinas, at dumayo sa labas ng Metro Manila, nahihirapan sila dahil maiilang ang mga isponsor na pumasok sa isang pangmatagalang kontrata, di tulad ng sa ibang bansa.
"In other countries, it seems to be easier to get sponsors on a long-term basis, say, three years or so," ani Singson. "We hope that, eventually, local companies will find it beneficial to do the same. Were going to be here for a while."
Sana mangyari na, para tuluy-tuloy ang nakatutuwang kabaliwan ng NBA Madness.