^

PSN Palaro

3 pang bansa nagpatala na sa RP Open Badminton

-
Nagpatala ang Germany, Thailand at Finland para sa first Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championships na presinta ng PLDT Business Solutions, upang umabot na sa kabuuang 16 ang bilang ng mga koponan na nagkumpirma na ng kani-kanilang paglahok sa inagurasyon na pagtatanghal ng nasabing event simula sa May 24 sa PhilSports Arena.

Inaasahang babanderahan ni Xu Huaiwen, ang world’s No. 4 ladies singles player, ang kampanya ng Germany sa $120,000 tournament na humakot na ng atraksiyon mula sa mga manlalaro mula sa Malaysia, Singapore, India, Canada, Indonesia, Hong Kong, Japan, Korea, Taiwan, England, Viet-nam, Austria at host Philippines.

Nakipag-koordinasyon na ang Philippine Badminton Association at ang organizing IMG sa Asian Badminton Confederation upang maseguro ang bagong commitment mula sa iba pang nasyon na posible pang makalahok dahil may apat na linggo pa bago magsimula ang four-star tournament na hatid ng Bingo Bonanza Corp., at JVC.

Babanderahan ng Asuncion siblings--Kennie at Kennevic ang kampanya ng locals sa nasabing event na magsisilbi ring tune-up para sa mga lalahok naman sa Indonesia Open, isang six-star tournament at dalawang five-star events--Malaysia at Singapore Opens na nakatakda matapos ang Philippine Open.

Para sa detalye tumawag lamang sa PBA, Badminton Hall, Rizal Memorial Sports Complex, P. Ocampo St,, Malate Manila c/o Joel Maborang sa +639265973222 o mage-mail sa [email protected] at [email protected] o maglog sa website ng event sa www.philippine-openbadminton.com.

ASIAN BADMINTON CONFEDERATION

BADMINTON HALL

BINGO BONANZA CORP

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN BADMINTON CHAMPIONSHIPS

BUSINESS SOLUTIONS

HONG KONG

INDONESIA OPEN

JOEL MABORANG

MALATE MANILA

OCAMPO ST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with