^

PSN Palaro

Roach nag-aalala para kay Pacquiao

-
Sa likod ng isip ni Freddie Roach, may posibilidad na hindi tumupad si Manny Pac-quiao sa kanyang panga-kong magtre-training ito sa Wild Card Boxing Club sa Hollywood.

"I know it’s possible (that Pacquiao would opt to stay in Manila)," ani Roach. "But he guaranteed me that he will come and train there."

And if he doesn’t?

Napahinto si Roach at nagbigay ng ultimatum.

"It crossed my mind that Manny might not come and I even thought about leaving the boys (who I train at the Wild Card) behind to be with Manny, but that’s just not right and I told Manny that if he doesn’t come, I will ask that the fight with (Oscar Larios sa July 2) be canceled or even postponed."

Nais ni Roach na maisa-ma si Pacquiao sakay ng Philippine Airlines pabalik sa Los Angeles ngayong gabi at magsimula nang mag-work out, ngunit nakumbinsi ng Pinoy boxing champion na bigyan pa siya ng sapat na panahon para asikasuhin ang mahahalagang bagay bago mag-training.

Sinabi ni Roach at aboga-dong si Nicholas Khan na darating si Pacquiao sa Los Angeles sa pagitan ng May 9 at 13 para sa isang buwang puspusang training. Plano nilang bumalik sa Manila sa mid-June kasama ang dalawang sparring partners.

Nang tanungin ukol sa matabang pangangatawan ni Pacquiao, sinabi ni Roach na hindi lamang 140 lbs ang timbang nito.

"He weighs more than that and I told him to start running because once he checks in at the Wild Card, it’s going to be all business," ani Roach na pumayag na I-train si Pacquiao noong mid-2001 nang naghahanap si Pacquiao at ang dati niyang business manager na si Rod Nazario ng promoter.

Sinabi ni Roach na napa-karaming distractions dito at kailangang nasa magan-dang kondisyon si Pacquiao para talunin si Larios na nagsabi sa Mexican media na walang imposible at sabik na sabik na itong umiskor ng upset.

Pagkatapos ng press conference sa ABS-CBN headquarters noong Biyer-nes, agad lumipad si Pac-quiao sa Cebu na hindi nagsabi kay Roach.

"He (Pacquiao) did not even say goodbye to me," ani Roach, na walang alam kung anong ginawa ni Pacquiao sa Cebu.

Ang pagkatalo kay Larios ay makakaapekto sa plina-planong rubber match sa pagitan nina Pacquiao at Erik Morales sa late-October o early-November, ani Roach. "Larios is one guy you cannot take lightly."(JM)

vuukle comment

CEBU

ERIK MORALES

FREDDIE ROACH

LARIOS

LOS ANGELES

MANNY PAC

NICHOLAS KHAN

PACQUIAO

ROACH

WILD CARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with