Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commis-sioner Richie Garcia na ito ay upang kaagad nilang malaman kung sinu-sino at ilang NSAs na ang nakapagsumite ng kanilang liquidation report sa COA.
"Ang nangyayari kasi dati every two weeks lang kami nagtse-check sa COA kung ilan na bang NSAs ang nag-liquidate," wika ni Garcia. "Gusto namin every week na para updated na kami."
Sa pinakahuling ulat ng COA sa PSC, siyam na sports associations na ang nakapagsumite ng kanilang liquidation report.
Ang mga ito, ayon kay Garcia, ay ang taekwondo, triathlon, bowling, baseball, wrestling, lawn tennis, lawn bowls, soft tennis at sailing.
"From an almost P97 million cash advances ng mga NSAs, bumaba na sa P68 million na lang ang hindi pa nali-liquidate. Kahit na medyo mabagal, nakakapag-liquidate naman yung iba," ani Garcia.
Ipinatutupad pa rin ng PSC ang kanilang no liquidation, no financial assistance policy sa hanay ng mga sports associations.
Sinabi ni Garcia na hanggang walang naibibigay na liquidation report ang mga NSAs ay wala rin silang aapruba-hang financial requests ng mga ito. (Russell Cadayona)