Richie Melencio, konsehal na ngayon!
April 28, 2006 | 12:00am
Honorable na ngayon ang tawag sa dating MBA at national player na si Richie Melencio. Honorable councilor ng Guagua, Pampanga.
Kabi-kabila ang sports projects ni Richie para sa kanyang mga kababayan sa Guagua kaya naman favorite councilor na siya ng mga Kapampangan.
Madalas siyang magpa-basketball tournament sa mga kabataan at dahil maraming kaibigan na player si Richie, naiimbitahan niya ang mga ito para dumayo sa Guagua.
Ngayon, may bago na namang proyekto si Richie.
Hindi basketball, kundi boxing.
Ito ay ang Go for Gold, Bakbakan sa Guagua.
Ito ay gaganapin sa May 19 sa Plaza Burgos sa Guagua at ang hosts ay walang iba kundi ang Honorable Mayor ng Guagua na si Ricardo Rivera at si Honarable Councilor Richie Melencio.
Dating RP team member itong si Richie at naglaro rin for quite a time sa MBA.
Anak siya ni legendary basketball player Tembong Melencio.
Masaya si Richie sa bagong chapter ng buhay niya.
"Masaya ako dahil kahit paano, nakakapagsilbi ako sa mga kababayan ko at maligaya na rin ako dahil maraming kabataan sa amin ang na-involve na namin ng husto sa basketball, at sa iba pang sports," sabi ni Richie.
Di ba niya nami-miss ang paglalaro ng basketball?
"Nami-miss siyempre, pero wala naman tayong magagawa. Nag-early retirement na ako sa basketball dahil sa injury pero masaya na rin naman ako sa na-accomplish ko. Marami na rin naman akong napuntahang lugar dahil sa pagba-basketball at tama na rin yun," dagdag pa niya.
Bakit naman niya naisipang pumasok sa politika?
"Wala lang biglaan lang. May mga kumausap sa akin kung interesado raw ba ako, so sabi ko, bakit hindi. Fortunately, nanalo naman ako at dahil napagkatiwalaan ako, pinangako ko sa sarili kong paninindigan ko na to, kaya ganyan talaga ako kasipag sa paggawa ng mga projects dito sa Guagua. At happy naman ako dahil all-out support din si Mayor Rivera sa mga undertaking ko."
O kaya kayong mahihilig sa boxing dyan sa Guagua, pagkakataon nyo na na makapag-umpisa sa Go For Gold dyan sa lugar nyo.
Tiyak na smash hit na naman ang project na yan ni Councilor Richie at ni Mayor Ricardo Rivera!
Masyado raw tight ang labanan para sa MVP sa NBA. Kobe. Steve, Lebron.
Isa sa kanila ang mag-uuwi ng titulong MVP.
Dito sa atin sa PBA, si Danny Seigle ang malaking lamang sa stats para maging Player of the Conference. Pero kahit lamang siya, hindi yan garantiya. Meron pang players vote, four-man committee vote at press vote.
Ang numero uno sa stats ay posible pang matalo dahil sa baka di siya paborito ng ibang players. Baka may kagalit siyang player, di na siya iboboto nito kahit na magaling siya. O baka di siya type ng four-man committee.
Ilang beses nang nangyari yan sa pagpili ng MVP.
Makailang players na nga ba ang nakakagulat na natalo dahil lang sa hindi type ng ibang tao o ng mga players.
Only in the Philippines.
O only in the PBA?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended