Dumating kahapon si Rodman kasama ang lima pang NBA Legends na makikibahagi sa dalawang exhibition games.
"To be honest with you, this is the Bad Boy Tour, it doesnt matter we have a basketball game to play and we wanted to entertain the fans here. If not, were gonna be the bad boys," ani Rodman, 7-time NBA rebounding champion sa pagharap sa media sa Gateway Cinema sa Araneta Center kahapon.
Kakampi ni Rodman ang mga NBA legends na sina Hall-of-Famers Alex English, Calvin Murphy, All-Stars Sidney Moncrief, Otis Birdsong at Darryl Dawkins na sasamahan ng NBA Developmental League players na sina Kareem Reid, Myron Allen at Olu Famutimi, at dalawang collegiate standouts na sina Chad Wilkerson (Oral Roberts University) at Colin Boddicker (TCU) na bumubuo ng all-American NBA legends 11-man roster.
Bilang pampagana ay sasabak ang mga Kano laban sa San Miguel All-Star sa Mandaue City ngayong alas-7:00 ng gabi.
Ang salpukan sa pagitan ng koponan ni Rodman at ng Nationals ay nakatakda sa Lunes sa Araneta Coliseum sa alas-5:30 ng hapon.
Maglalaro rin ngayong alas-7:00 ng gabi sa Mandaue Sports Center sa Mandaue City ang mga Americans laban sa SMC-All Stars squad.
Ang main event ay ang exhibition Game laban sa PBA national pool ni coach Chot Reyes sa Lunes sa Araneta Coliseum sa alas-5:30 ng gabi. (Carmela Ochoa)