^

PSN Palaro

Jewels lalong kumislap sa itaas

-
Lalong nagningning ang Montaña Pawnshop sa pangkalahatang pa-mumuno matapos pahig-pitin ang kapit sa liderato nang kanilang hatakin ang 69-66 panalo laban sa palabang Harbour Centre kahapon sa pag-usad ng eliminations ng 2006 PBL Unity Cup sa Olivarez  Sports  Center, Parañaque.

Pinigilan ng Jewels ang pagbabanta ng Port Masters sa huling tatlong minuto ng labanan upang kubrahin ang kanilang ikaanim na panalo kontra sa kanilang isang talo na nagpatatag sa kanila sa liderato habang sumad-sad naman ang Port Masters sa 2-5 kartada.

Bumandera si Al Ver-gara para sa Montaña sa kanyang tinapos na 16-puntos bukod pa sa dala-wang assist at isang rebound para sa ikala-wang sunod na panalo ng Jewels na  nakalapit sa outright semifinals berth na ipagkakaloob sa top-two-teams pagkatapos ng elimination.

Tila wala nang kawala sa Montaña ang panalo matapos hawakan ang 17-puntos na bentahe, 62-45 papasok sa huling 8:09 minuto ng labanan ngunit nagpabaya ang mga bata ni coach Nel Parado.

Nagawang makalapit ng Port Masters sa 60-62 nang kanilang pakawalan ang 15-0 run na kinapa-looban ng tres nina Joseph Yeo at LA Tenorio na siyang simula ng mainit na palitan ng basket.

Sa ikalawang laro, nagtulung-tulong sina Jojo Tangkay, Marvin Ortiguera at Samigue Eman, sa ikaapat na quarter upang ilayo ang Rain or Shine at igupo ang Magnolia Ice Cream, 63-52.(CVOchoa)

AL VER

HARBOUR CENTRE

JOJO TANGKAY

JOSEPH YEO

MAGNOLIA ICE CREAM

MARVIN ORTIGUERA

MONTA

NEL PARADO

PORT MASTERS

SAMIGUE EMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with