V-League papalo ngayon
April 22, 2006 | 12:00am
Hahataw ang second conference ng V-League na presinta ng Shakeys ngayon sa Blue Eagle Gym kung saan tampok ang malaki at kasiya-siyang labanan sa pagitan ng mga mahuhusay na womens volleyball squad sa bansa, dagdag pa rito ang tatlong bagitong koponan na magsasagawa ng kani-kanilang debut.
Maghaharap ang Philippine Christian U at Adamson, kapwa tumapos na runner-up sa kani-kanilang leagues sa alas-4 ng hapong engkuwentro ng mga bagitong koponan kung saan ang bawat isa ay matindi ang pagnanais na maipakita ang kani-kanilang tikas.
Sasagupain naman ng Ateneo na isa sa mga paboritong koponan na makatuntong sa finals ang isa pang magdedebung koponan--ang University of the East sa alas-6 ng gabi bilang main game.
Libre ang pagpasok sa venue kung saan ang ABC-5 ang siyang magsasa-ere ng mga laro mula alas-4:30 ng hapon hanggang alas-6:30 ng gabi.
Inimbitahan si Philippine Sports Commission chairman William Butch Ramirez na manguna sa simpleng opening rites sa alas-3 ng hapon na tatampukan ng tradisyunal na parada ng mga kalahok na koponan na babanderahan ng kani-kanilang guest players at foreign talents.
Ang nasabing event ay ipiniprisinta ng Shakeys Pizza at suportado ng Accel at Mikasa at ito ay lalaruin tuwing araw ng Sabado, Lunes at Miyerkules.
Ang lahat ng preliminary matches ay lalaruin sa Blue Eagle Gym, habang ang semifinals at finals ay lilipat naman sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang PCU at Adamson ang dalawang koponan na inaasahang pupukaw ng atensiyon at magiging mabigat na kalaban para sa korona na dalawang sunod na hinawakan ng La Salle.
Pumuwesto ang PCU ng ikalawa sa likod ng San Sebastian noong nakaraang NCAA season. Ang Taft-based school ang siyang back-to-back champion noong 2003-04.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended