^

PSN Palaro

Ateneo, FEU nananabik nang sumabak sa aksiyon

-
Magkaibang koponan ang Ateneo at Far Eastern U ngunit iisa lamang ang kanilang layunin sa second conference ng V-League na handog ng Shakey’s.

Ito ay manalo sa anumang paraan.

Bagamat hindi pa nila inihahayag ang kanilang mga guest players, kap-wa sumailalim ang Lady Eagles at Lady Tams sa masusing build-up sa off-season at handa na silang magpakitang gilas sa event na ito na magsisi-mula bukas sa Blue Eagle Gym.

Maghaharap ang Philippine Christian U at Adamson sa alas-4:00 ng hapon pagkatapos ng alas-3:00 ng hapong opening rites habang haharap naman ang Ateneo sa University of the East sa alas-6:00 ng gabi.

Ang lahat ng walong teams na sasabak sa event na hatid ng Shakey’s Pizza at inor-ganisa ng Sports Visions Management Group, Inc. (SVGMI) sa ikatlong sunod na taon ay pina-yagang gumamit ng dalawang guest players, local o foreigner.

Niremedyuhan ng FEU ang speed, agility at defense sa pagkawala ng top spiker na si Mae Rovira na nagtapos na habang pinalakas naman ng Ateneo ang kanilang frontline at mayroon na silang karanasan mula sa kanilang kampanya noong nakaraang taon.

"We’re smaller than the other teams but we’ll make it up with our speed and agility, this is a fighting team," ani FEU coach Kit Santos, na nagmando sa Morayta-based school sa Uni-Games title noong nakaraang taon.

Sinabi naman ni Ate-neo mentor Louie Ge-puela na, "I haven’t seen the opponent but as far as my team is con-cerned, we’ve got a fighting chance because my players have now expe-rienced playing here."

Sasandal ang FEU kina skipper Mary Anne Manalo, Wendy Ann Semana, Lorelyn Astorga, Rachel Ann Dacquis, Josephin Cafranca at libero Victoria Alemania sa kanilang hangaring magtagumpay sa tourna-ment na ito na suportado ng Mikasa at Accel..

Aasa naman ang Ateneo sa power hitting na sina Patricia Taganas at Charo Soriano, Steph Veluz, Alex Pijuan, Apple del Puerto at bagong libero na si Steph Gabriel na pumalit sa sikat at petite na si Charly Tan.

Ang mga laro ay tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado sa alas-4:00 ng hapon at alas-6:00 ng gabi at ipapalabas ng ABC-5 ang mga piling laro tuwing Lunes, Martes at Huwebes mula alas-4:30 hanggang alas-6:30 ng gabi.

ALAS

ALEX PIJUAN

ATENEO

BLUE EAGLE GYM

CHARLY TAN

CHARO SORIANO

FAR EASTERN U

JOSEPHIN CAFRANCA

KIT SANTOS

LADY EAGLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with