3 bagong team makakatikim ng matinding hamon

Makakatikim ng matinding hamon ang mga baguhang Philippine Christian University Adamson University at University of the East sa women’s volleyball sa kanilang pagsabak sa V-League na hatid ng Shakey’s na magsisimula sa Sabado sa Blue Eagle gym sa Ateneo.

Magsasagupa ang PCU at Adamson sa alas-3:00 ng hapon na kapwa nais makapagpakitang gilas dahil sa kanilang runners-up finish sa NCAA at UAAP ayon sa pagkakasunod.

"We’re happy to be here in the V-League but we’re not just here to play, but also to win," ani PCU mentor Butch Odron, na nagmando sa Taft-based school patungo sa 2003-2004 NCAA titles.

Ang iba pang miyembro ng koponan at guest players ay sina Amy Cojuangco at Lani Cervantes, Grace Magtibay, Romalyn Manzano, Arlene Bernardo at libero Jannette Barrera.

Ipinagmamalaki naman ng Adamson ang kanilang formidable roster sa pangunguna ng national team mainstays na sina Cherry Rose Macatangay at Rubie de Leon bilang guest players.

Samantala maghaharap naman ang University of the East at Ateneo Lady Eagles sa alas-4:30 ng hapon na kapwa nais iparamdam ang kanilang presensiya sa second conference ng event na handog ng Shakey’s Pizza at suportado ng ABC-5, Mikasa at Accel.

Ang regular playdates ay Lunes, Miyerkules at Sabado simula alas-4:00 ng hapon ay mapapanood ito sa ABC-5 tuwing Lunes, Martes at Huwebes sa alas-4:30-6:30 p.m.

Show comments