Montaña nagsosolo sa itaas
April 19, 2006 | 12:00am
Umusad ang Montaña Pawnshop pasulong habang paurong naman ang naging kapalaran ng Toyota Otis Letran matapos ang kanilang magkasalungat na kapalaran sa magkahiwalay na laro kahapon sa 2006 PBL Unity Cup na nagpatuloy sa San Andres Gym sa Malate kahapon.
Muling naasahan ng Jewels ang kanilang pambatong si Alex Compton sa huling maiinit na sandali ng labanan tungo sa 90-81 panalo sa isang overtime game laban sa Hapee Toothpaste sa ikalawang laro.
Nauna rito, sumandal naman ang Magnolia Ice Cream kay Arwind Santos sa final quarter upang muling igupo ang Toyota Otis, 81-77.
Nasolo ng Montaña ang pangkalahatang pamumuno taglay ang 5-1 record habang naiwan ang dati nilang co-leader na Toyota sa ikalawang posisyon matapos malasap ang ikalawang talo sa apat na laro kaya katabla na nila ngayon ang walang larong Rain or Shine. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended