Balik aksiyon na naman
April 18, 2006 | 12:00am
Tapos na ang Holy Week. Sana naman naging makabuluhan ito.
Ang dami nang nagtungo sa mga beach resorts sa ibat ibang panig ng Pilipinas. Sana marami din ang nagpunta sa mga simbahan.
Anyway, balik na naman sa normal ang galaw ng lahat.
Dito sa sports nagbalik na rin ang aksiyon kung saan sinimulan ng PBA games.
Ngayong araw na ito, ang PBL naman ang rarampa.
Pero ang pinakahihintay ng lahat ay ang muling pagpalo ng V-League na ipiniprisinta ng Shakeys.
At sey nyo 8 teams ang kasali ngayon. Medyo malungkot nga lang dahil ang karibal ng DLSU na UST ay hindi sasali ngayon.
Pahinga daw muna ang Tigress sa V-League dahil hindi daw malakas ang team nila ngayon sa pag-graduate ng ilang mahuhusay nilang players.
Parang hindi ako pabor doon. Di ba mas dapat nga silang sumali ngayon upang mahasa na ang mga baguhan nila bago pa man isabak sa UAAP?
At papaano naman si Mary Jane Balse? Kailangan ni Balse ang mahasa ng husto lalo na ngayong siya ang babalikat sa UST.
Di ba coach Augusto Santamaria?
Nagtatanong lang po!
Tiyak na magiging maganda at mainit ang pagtanggap ng Misamis Oriental sa pagtungo ng PBA sa kanilang lugar.
Dito idaraos ang PBA All-Star Weekend sa Abril 27-29.
Sa kauna-unahang pagkakataon, masasaksihan ng mga tagarito ang masayang labanan ng mga piling-piling superstar ng PBA.
Noong nakaraang taon, idinaos ang All-Star games sa Laoag City makaraang ihost ito ng Cebu noong 2004 at Iloilo noong 2001.
At siyempre, tiyak na magpapakitang-gilas ang mga players na nagmula sa South.
Kaya naman pinaghahandaan ng husto ito ng mga players na tubong Mindanao.
So wait lang kayo at darating na diyan ang mga idolo ninyong basketbolista.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended