^

PSN Palaro

Katatagan sa liderato asam ng Toyota Otis at Montaña

-
Matapos ang Semana Santa, muling hahataw ang mga aksyon sa 2006 PBL Unity Cup.

Sasagupain ng Toyota Otis ang Magnolia Dairy Ice Cream ngayong alas-2 ng hapon, samantalang haharapin naman ng Montaña Pawnshop ang Hapee-PCU sa alas-4 sa pagpapatuloy ng eliminasyon sa San Andres Gym sa Malate, Manila.

Kasalukuyang magkasalo sa liderato ang Sparks at ang Jewels mula sa magkapareho nilang 4-1 rekord kasunod ang nagdedepensang Rain or Shine Elasto Painters (4-2), Granny Goose Snackmasters (3-3), Spinners (2-3), Teethmasters (2-3), Harbour Centre Portmasters (2-4) at TeleTech Titans (1-5).

Nagmula ang Toyota Otis sa 73-65 panalo kontra sa Montaña noong Abril 8 na siyang naglista sa kanilang three-game winning streak.

Nanggaling naman ang Magnolia sa 60-77 pagyukod sa Hapee-PCU noong Abril 9 na pumigil sa kanilang hangad na pangalawang sunod na panalo.

"Siguro sa apat na laro suwerte na kami kung mananalo kami ng isang sa Magnolia," wika ni coach Louie Alas sa pagsagupa ng kanyang Sparks sa Spinners ni mentor Koy Banal.

"Magaling ‘yung coach nila at maganda ‘yung line-up nila, kaya tiyak na maraming mahihirapan sa kanila."

Katulad ng Toyota Otis, hangad rin ng Montaña na manatili sa itaas.

Ang nasabing kabiguan sa Sparks ang pumigil sa four-game winning run ng Jewels ni coach Neil Parado matapos magkarga ng 4-0 rekord. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ABRIL

GRANNY GOOSE SNACKMASTERS

HAPEE

HARBOUR CENTRE PORTMASTERS

KOY BANAL

LOUIE ALAS

MAGNOLIA DAIRY ICE CREAM

MONTA

NEIL PARADO

TOYOTA OTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with