^

PSN Palaro

Mainit na pagsalubong ng Misamis Oriental naghihintay sa PBA

-
Umabot na ang init ng basketball sa Misamis Oriental bagamat dalawang linggo pa bago ang pagbisita ng Philippine Basketball Association sa probinsiya para sa pagtatanghal ng 2006 Hope Cigarette PBA All-Star weekend.

Inihahanda na ng mga tao mula sa ikatlo sa pinakamalaking probinsiya ng Mindanao ang red carpet para sa pagsalubong sa liga at mainit na pagtanggap sa ibang delegasyon na kasama sa palarong suportado ng Chowking sa Abril 27-29.

Ipinangako ni Gov. Oscar Moreno, na tiyak na mag-iiwan ng alaala ang mid-season spectacle.

"We are very, very excited, anxious and delighted to be chosen as host of this year’s PBA All-Star weekend. Just about everybody is waiting for it," anang Governor.

Ilang beses na ring naghost ang Cagayan de oro City, ang capital city ng Misamis Oriental ng laro na hindi lamang ang probinsiya ang ipinagmamalaki kundi ang bagong tahanan ng oportunidad.

"We’re looking forward to this historic occasion. We know that it is very difficult to make everybody happy and enjoy the weekend, but we do hope that can measure up to the task," dagdag ni Moreno.

Ang Misamis Oriental ang ikaapat na probinsiyang magho-host sa nakalipas na anim na taong pagtatanghal ng taunang extravaganza.

"Just like the people of Misamis Oriental, your PBA is excited as well to bring the All-Star weekend there. Rest assured of an exciting and fun-filled three-day of hardcourt action," wika naman ni PBA commissioner Noli Eala.

ABRIL

ANG MISAMIS ORIENTAL

HOPE CIGARETTE

ILANG

INIHAHANDA

IPINANGAKO

MISAMIS ORIENTAL

NOLI EALA

OSCAR MORENO

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with