Tangka ng Lady Archers, champions sa huling dalawang conferences, ang isa pang titulo gamit ang halos intact na line-up para sa second conference ng V-League na hatid ng Shakeys sa April 22 sa Blue Eagle gym sa Loyola Heights.
Siguradong wala na si Maureen Penetrante matapos mag-graduate noong nakaraang taon, sa La Salle ngunit ang Taft-based spikers ay nananatiling team to beat sa tournament na nadagdagan ng tatlong bagong schools mula sa UAAP at NCAA.
"We lost one important player but the core of the team is still there. So I think we still have a strong chance of winning another championship," sabi ni La Salle assistant coach Oliver Almadro na umaalalay kay head coach Ramil de Jesus.
Sinabi ni Almadro na plano nilang muling kuhanin si Michelle Carolino na isa sa kanilang dalawang guest players na siyang pinapayagan sa event na sponsored ng Shakeys Pizza at inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.
"We hope to get her again as one of our guest players, because she really fits the team well," wika pa ni Almadro ukol sa high-leaping, power-spiking looker mula sa Agoncillo, Batangas. "But were having difficulty getting her because shes under training right now."
Inaasahang magiging mahigpit na kalaban ng La Salle ang Ateneo, San Sebastian College, Far Eastern U, Lyceum at newcomers Adamson, University of the East at Philippine Christian University.
Pangungunahan nina veterans Desiree Hernandez, Chie Saet, Manilla Santos at Shermaine Penano ang kampanya ng La Salle kung saan si Hernandez ang inaasahang magbubuhat ng koponan.
Ang matangkad at solid-hitting na si Hernandez ang susi sa pagtatala ng La Salle ng three-peat sa UAAP matapos igupo ang Adamson sa finals noong nakaraang season. Siya ang napiling MVP ng dalawang beses sa tatlong taong pagkampanya.
Si Saet, ang best setter sa unang tatlong conferences ng liga, at si Santos, parehong magaganda ngunit may talento, ang inaasahang tutulong kay Hernandez habang si Penano ang gagawa ng dirty job gaya ng dati, tangka ang kanyang ikaapat na sunod na best libero (defensive player) award.
Ang iba pang La Salle spikers ay sina Carla Llaguno, Jacqueline Alarac at ang nagbabalik na si Michelle Datuin.