RP jins lalahok sa Asian tourney
April 17, 2006 | 12:00am
Sisimulan ng Petron national taekwondo team ang kanilang international campaign sa pamamagitan ng paglahok sa 17th Asian Taekwondo Championships na nakatakda sa Bangkok, Thailand sa Abril 19-24.
Ang mga Pinoy na overall champion sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games na ginanap sa Manila noong nakaraang taon, ang mga paborito sa prestihiyosong torneong ito.
Ibinunyag ni Philippine Taekwondo Association president Robert N. Aventejado na may 35-bansa kabilang ang Korea, Chinese Taipei, Japan at Iran, ang lalahok.
"Its going to be a tough outing for our team but Im confident that our well-trained jins will be able to do well," pahayag ni Aventejado.
"Labing-dalawang atleta sa pangunguna ng 23rd SEAG gold winners na si John Paul Lizardo, Tshomlee Go, Mary Antoinette Rivero at Kathleen Eunice Alora ang bumubuo ng national team.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Manuel Rivero Jr., Alexander Briones, Juan Ricardo Miguel Bernardino, Dax Alberto Morfe, Loraine Lorelie Catalan, Kirstie Elaine Alora, Gerrielyn Aranzanso at Maria Criselda Roxas.
Ang mga opisyal ay sina Stephen Fernandez, head coach; Jesus Morales III, mens coach; Roberto Cruz at Raul Samson, womens coach habang kasama sa delegasyon ang international referees na sina Mario Frigillana at Angelito Ong.
Ayon kay PTA vice president Sung Chon Hong, ang partisipasyon ng RP jins sa torneong ito ay preparasyon para sa Asian Games sa Doha, Qatar sa December 11-24.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest