Sinabi ni PCSM Director Dr. Raul Canlas na pagtutuunan lamang nila ng atensyon ang ilang sports kung saan posible ang paggamit ng mga banned substance.
"We dont want to appear that we are screening our athletes for doping," sabi ni Canlas. "We will just hold a selective or random testing again and probably concentrate on some sports."
Matatandaang binawi ng Southeast Asian Games Federation (SEAGF) ang nai-panalong gintong medalya ng 19-anyos na si Singson sa 23rd SEA Games noong 2005.
Ito ay base na rin sa nakitang diuretics, isa lamang sa mga banned substance na nasa listahan ng World Anti-Doping Agency (WADA), sa isinumiteng urine sample ni Singson.
Ayon kay Canlas, mas hihigpitan ng PCSM ang pagsasagawa ng random testing sa mga national athletes na lalahok sa darating na 15th Asian Games sa Doha, Qatar sa Disyembre.
"Medyo mas magiging stricter lang yong doping test namin but definitely Im still against total doping test for all of our athletes," wika ni Canlas.
Maliban kay Singson, isang Malaysian karateka at Indon bowler ang binawian rin ng SEAGF ng kani-kanilang silver medal dahilan sa nakitang banned substance sa kanilang katawan. (R.Cadayona)