^

PSN Palaro

Dela Peña bumandera sa Granny Goose

-
Gumawa ng kaba-yanihan si Kevin dela Peña sa endgame tungo sa 62-61 panalo ng Gran- ny Goose Tortillos laban sa bigating Rain or Shine sa huling game-day ng 2006 PBL Unity Cup bago mag-break para sa Holy Week.

Umiskor si Dela Peña ng driving basket, may .6 of a second ang natira, upang makabawi ito sa kanyang minadaling attempt sa triple area na siyang dahilan para maka-iskor si Jojo Tang-kay ng malaking basket para makalapit ang Elasto Painters sa 61-60 papa-sok sa huling 3.4 segundo ng labanan.

Ngunit hindi sumuko ang Tortillos sa tulong ni Dela Peña na tumapos ng 15 points nang ikamada nito ang game winning basket para magdiwang ang mga tagasuporta ng Granny Goose sa San Andres Gym sa Malate kahapon.

Sa pagkatalo ng Rain or Shine na ikalawang sunod matapos manalo sa unang apat na laro, nalaglag ito sa pakikisalo sa liderato kung saan naiwang magkasosyo ang mga pahinga nga-yong Toyota Otis-Letran at Montaña Pawnshop.

Bumangon si L.A. Te-norio sa mahinang perfor-mance habang nagbida si Ryan Araña sa ikaapat na quarter upang pasiklaban ng Harbour Centre ang TeleTech, 77-63 sa unang laro.

Matapos mabokya sa 84-81 overtime win laban sa Granny Goose noong Linggo, ipinoste ni Tenorio ang kanyang double-double performance ma-tapos umiskor ng 12-puntos at 10-assists upang tulungan ang Port Masters na makopo ang ikalawang sunod na panalo matapos mabigo sa unang apat na laro. (CVOchoa)

vuukle comment

DELA PE

ELASTO PAINTERS

GOOSE TORTILLOS

GRANNY GOOSE

HARBOUR CENTRE

HOLY WEEK

JOJO TANG

PORT MASTERS

RYAN ARA

SAN ANDRES GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with