^

PSN Palaro

Masinsinang pagsasanay ni Pacman sa Mayo na

-
Sa kalagitnaan ng Mayo ay sisimulan ni American trainer Freddie Roach ang masinsinang pagsasanay kay Manny Pacquiao na haharapin si Mexican Oscar Larios sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.

Ang pagkakaroon ng okasyon upang i-promote ang nasabing laban sa Pilipinas at sa US ang mga bagay na inihayag ni Roach na dahilan kung bakit di pa nagsisimula ang paghahanda ni Pac-man.

Ang paglulunsad ng labanang ito ay gagawin sa bansa matapos ang Semana Santa habang ang paglulunsad sa US ay itinakda naman sa Mayo 6 sa Las Vegas na kung saan matapos ang aktibi-dades na ito ay magtutu-luy-tuloy na sa pagsasa-nay si Pacquiao.

"On May 6 in Vegas, we’ll have the US Press Conference, and that‚ when we’ll get this thing rolling. He will be in the Wild Card Gym and in June we will go the the Philippines," wika ni Roach sa isang panayam sa isang boxing website.

Binanggit din ni Roach na dapat ay nasa pinaka-magandang kondisyon si Pacquiao sa laban kay Larios dahil di birong kala-ban ang nasabing Mexi-cano.

"This guys is a world champion fighter, and Manny must be in the same condition he was when he beat Eric Mora-les. Larios has nothing to lose in this fight but everything to gain. Larios says he’s more comfor-table at 130 lbs, so we’ll respect this guy and not take him lightly," pahayag pa ng American trainer.

Nakataya sa laban na ito ang hawak na titulo ni Manny na WBC Interna-tional Super Feather-weight title bukod pa sa posibleng tune-up fight sa kasalukuyang WBC Su-per Bantamweight champ na si Israel Velasquez.

Sa kabilang banda, si Pacquiao ay gagamitin ang sagupaan para maikondisyon ang sarili sa isa pang malaking laban kontra kina Morales o Marco Antonio Barrera.

Ayon kay Roach, hindi pa tiyak kung matutuloy ang laban nila ni Morales dahil patuloy na iginigiit ng Mexicanong pug na gawin ang laban sa 132 lbs na ayaw patulan ni Pacquiao.

Pero kung siya ang masusunod, mas nanai-sin niyang ang dalawang Mexicanong ang magka-sunod na makatapat ni Pacquiao upang makamit nito ang taguri bilang pina-kamahusay na pound for pound boxer sa mundo bukod pa sa pagiging pinakamahusay na boksingero ng bansa.

"I would like to fight both of them. I would like to get Morales first, then get Barrera after that. If Manny beats both these guys, both being Hall Of Famer fighter, he will go down as the greatest Filipino boxer of all time, and one of the greatest fighter of all time, there’s no doubt about that," sabi pa ni Roach. (LMC)

ARANETA COLISEUM

ERIC MORA

FREDDIE ROACH

HALL OF FAMER

IF MANNY

ISRAEL VELASQUEZ

LARIOS

LAS VEGAS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with