^

PSN Palaro

Magaan na parusa ng SEAGF kay Singson hindi inaasahan

-
Hindi inaasahan ng Philippine Taekwondo Asso-ciation (PTA) na magiging ma-gaang ang parusa ng South-east Asian Games Federation (SEAGF) kay national taek-wondo jin Esther Marie Singson.

 Sa pulong ng SEAGF sa Bangkok, Thailand kama-kailan, binawi nito ang gold medal ni Singson sa women’s bantamweight class ng naka-raang 23rd SEA Games noong Nobyembre ng 2005. 

"We’re so happy that at least na-recognize nila na hindi talaga sinadya ‘yong kay Esther. Nakita naman nila na it was just an honest mistake," sabi kahapon ni PTA president at Philippine Olympic Com-mittee (POC) chairman Robert Aventajado. 

Matatandaang naging kontrobersyal ang 19-anyos na estudyante ng University of Sto. Tomas matapos mapatu-nayan ng World Anti-Doping Agency (WADA) ang paggamit nito ng isang banned sub-stance.

 Nakita ng WADA sa urine sample ni Singson ang banned substance na diuretics na kasama sa ininom nitong slimming tea isang linggo bago ang 2005 SEA Games. Sa pagkakabawi ng SEAGF ng gintong medalya ni Singson, ang tinalo niyang Indon taek-wondo jin ang ginawaran nito. 

Matapos ang SEAGF, ang desisyon naman ng World Taekwondo Federation (WTF) ang hihintayin ng PTA, ayon kay Aventajado. Nauna nang pinatawan ng PTA si Singson ng isang three-month suspen-sion simula noong Pebrero. (Russell Cadayona) 

vuukle comment

ASIAN GAMES FEDERATION

ESTHER MARIE SINGSON

NAKITA

PHILIPPINE OLYMPIC COM

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSO

ROBERT AVENTAJADO

RUSSELL CADAYONA

SINGSON

UNIVERSITY OF STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with