Magaan na parusa ng SEAGF kay Singson hindi inaasahan
April 11, 2006 | 12:00am
Hindi inaasahan ng Philippine Taekwondo Asso-ciation (PTA) na magiging ma-gaang ang parusa ng South-east Asian Games Federation (SEAGF) kay national taek-wondo jin Esther Marie Singson.
Sa pulong ng SEAGF sa Bangkok, Thailand kama-kailan, binawi nito ang gold medal ni Singson sa womens bantamweight class ng naka-raang 23rd SEA Games noong Nobyembre ng 2005.
"Were so happy that at least na-recognize nila na hindi talaga sinadya yong kay Esther. Nakita naman nila na it was just an honest mistake," sabi kahapon ni PTA president at Philippine Olympic Com-mittee (POC) chairman Robert Aventajado.
Matatandaang naging kontrobersyal ang 19-anyos na estudyante ng University of Sto. Tomas matapos mapatu-nayan ng World Anti-Doping Agency (WADA) ang paggamit nito ng isang banned sub-stance.
Nakita ng WADA sa urine sample ni Singson ang banned substance na diuretics na kasama sa ininom nitong slimming tea isang linggo bago ang 2005 SEA Games. Sa pagkakabawi ng SEAGF ng gintong medalya ni Singson, ang tinalo niyang Indon taek-wondo jin ang ginawaran nito.
Matapos ang SEAGF, ang desisyon naman ng World Taekwondo Federation (WTF) ang hihintayin ng PTA, ayon kay Aventajado. Nauna nang pinatawan ng PTA si Singson ng isang three-month suspen-sion simula noong Pebrero. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am