Hinihintay pa ang ibang resulta ng event na ito para sa 17-gulang pababa, gaya ng athletics at taekwondo competition na may nakatayang 40-gold medals kahapon.
Habang sinusulat ang balitang ito, nasa overall leadership ang Abad Santos na may kabuuang 49-golds, 49-silvers at 29 bronzes. Ngunit hindi pa sila naidedeklarang over-all champion.
Gayunpaman ay delikado ang Abad Santos sa Dapitan dahil hindi ito nakalalayo sa taglay na 47-32-28 gold-silver-bronze na produksiyon kasunod ang Binondo (43-26-20), Paco (33-24-30), Pandacan (31-30-25), Malate (30-13-12), Sta. Cruz (23-18-22), Sta. Ana (18-18-12), KaMaynila I (10-11-14) at Sta. Mesa (9-7-8).
Sa mga naunang resulta ng taekwondo event, humakot ang Malate ng 14-golds na hatid ng Central taekwondo gym, upang makaahon sa ika-anim na puwesto.
Kumulekta naman ng tatlong gold si Sheryl Bajar ng Dr. A. Albert Elementary School buhat sa girls 12-under 1,000-meter run (6:29.8), 100m run (15.4) at sa 4x100 relay (1:02.7) para sa Dapitan na nagsubi ng pito sa 24 gintong pinaglabanan sa athletics sa Rizal Memorial Track Oval.
Naghatid din ng ginto para sa Dapitan sina Vanessa Faye Acbayani sa girls 800m run. (CVOchoa)