^

PSN Palaro

Mukhang sa Abad Santos na

-
Bagamat tumiklop na ang tabing sa isang linggong Manila Youth Games na nagdaos ng ikalimang edisyon, wala pang idinideklarang over-all champion.

Hinihintay pa ang ibang resulta ng event na ito para sa 17-gulang pababa, gaya ng athletics at taekwondo competition na may nakatayang 40-gold medals kahapon.

Habang sinusulat ang balitang ito, nasa overall leadership ang Abad Santos na may kabuuang 49-golds, 49-silvers at 29 bronzes. Ngunit hindi pa sila naidedeklarang over-all champion.

Gayunpaman ay delikado ang Abad Santos sa Dapitan dahil hindi ito nakalalayo sa taglay na 47-32-28 gold-silver-bronze na produksiyon kasunod ang Binondo (43-26-20), Paco (33-24-30), Pandacan (31-30-25), Malate (30-13-12), Sta. Cruz (23-18-22), Sta. Ana (18-18-12), KaMaynila I (10-11-14) at Sta. Mesa (9-7-8).

Sa mga naunang resulta ng taekwondo event, humakot ang Malate ng 14-golds na hatid ng Central taekwondo gym, upang makaahon sa ika-anim na puwesto.

Kumulekta naman ng tatlong gold si Sheryl Bajar ng Dr. A. Albert Elementary School buhat sa girls’ 12-under 1,000-meter run (6:29.8), 100m run (15.4) at sa 4x100 relay (1:02.7) para sa Dapitan na nagsubi ng pito sa 24 gintong pinaglabanan sa athletics sa Rizal Memorial Track Oval.

Naghatid din ng ginto para sa Dapitan sina Vanessa Faye Acbayani sa girls’ 800m run. (CVOchoa)

ABAD SANTOS

ALBERT ELEMENTARY SCHOOL

BAGAMAT

BINONDO

DAPITAN

DR. A

MANILA YOUTH GAMES

RIZAL MEMORIAL TRACK OVAL

SHERYL BAJAR

VANESSA FAYE ACBAYANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with