Coca-Cola nakaasa kay Arigo
April 10, 2006 | 12:00am
Umiskor si John Arigo ng dalawang krusyal na triples kabilang ang game-tying basket na naghatid sa Coca-Cola sa 108-104 overtime win laban sa Sta. Lucia Realty para sa isang malaking tagumpay sa araw ng palaspas sa pag-usad ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup na nagpatuloy sa Araneta Coliseum kagabi.
Tumapos si Arigo ng 28-puntos kabilang ang basket na nagtabla ng iskor sa 93-all na nagbigay ng pag-asa sa Tigers na makasulong sa ika-anim na panalo matapos ang walong laro na nagbigay sa kanila ng pag-asang maagaw ang liderato kung matatalo ang nangungunang San Miguel Beer (6-2) laban sa defending champion Barangay Ginebra (4-3) na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.
Sa overtime, umiskor si Raffi Reavis ng dalawang crucial putbacks habang tig-isang tres sina Ali Peek at Dennis Miranda upang ipalasap sa Sta. Lucia Realty ang kanilang ikaanim na talo matapos ang walong laro na lalong nagbaon sa kanila sa ilalim ng team standings.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended