^

PSN Palaro

Toyota salo sa liderato

-
Muling nagkasalo sa liderato ang Montaña Pawnshop at defending champion na Rain or Shine ngunit kasama na nila ngayon ang Toyota Otis-Letran sa 2006 PBL Unity Cup na nagpatuloy sa Olivarez College Sports Center sa Paraña-que.

Sinira ng Toyota-Letran ang imakuladang apat na sunod na panalo ng Jewels nang patikman nila ito ng kauna-unahang pagkatalo matapos ang come-from behind na 73-65 pamamayani sa ikala-wang laro.

Nauna rito, nakaba-ngon ang Elasto Painters sa kabiguan laban sa Montaña matapos ang 71-65 pamamayani laban sa bagong saltang Tele-Tech.

Dahil dito, muling nag-salo sa pamumuno ang Rain or Shine at Montaña bunga ng magkatulad na 4-1 kartada ngunit sa pagkakataong ito ay ka-salo na nila ang Toyota Sparks.

Maagang kumawala ang Montaña na umaban-te sa 42-21 sa first half ngunit unti-unting tinibag ito ng Toyota hanggang sa maagaw nila ang kala-mangan sa pamamagitan ng triple at jumper ni Patrick Cabahug 64-62 ang iskor papasok sa huling 2:16 minuto ng labanan.

Lumayo pa ng hang-gang 67-62 ang tropa ni coach Louie Alas, 54.7 segundo na lamang ngu-nit nagbanta ang Monta-ña sa 65-67 matapos ang triple ni Reed Juntilla, 37.6 segundo pa. (CVOchoa)

vuukle comment

DAHIL

ELASTO PAINTERS

LOUIE ALAS

MONTA

OLIVAREZ COLLEGE SPORTS CENTER

PATRICK CABAHUG

REED JUNTILLA

TOYOTA OTIS-LETRAN

TOYOTA SPARKS

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with