Shakeys V-League magbabalik aksiyon na
April 7, 2006 | 12:00am
Magbabalik ang womens volleyball sa pagpi-prisinta ng Shakeys sa ikalawang kumpe-rensiya ng V-League sa Abril 22.
Tatlong bagong koponan ang lalahok para sa kabuuang 8-team cast at bagong format para hight na maging kapana-panabik ang finals, at maging malawak ang labanan para sa korona ng mga pinakama-huhusay na koponan mula sa NCAA at UAAP.
Sasabak na rin sa aksiyon ang Philippine Christian Uni-versity ng NCAA at ang first runner-up ng UAAP na Adam-son University at University of the East sa giyera sa V-League at umaasang makakagawa ng malaking impact sa liga.
Hindi muna sasali ang UST, winner ng inaugural na pagta-tanghal ng torneo noong 2004, dahil hindi pa sila nakakabuo ng malakas na koponan makaraang magsipagtapos na ang halos kabuuan ng team.
Gayunpaman ang lalim ng competiting team ay nananatili kung saan inaasinta ng second conference champion De La Salle University ang kanilang ikatlong sunod na league championship, habang mag-papakitang-gilas naman ang Ateneo de Manila, Far Eastern University, Lyceum of the Philippines at San Sebastian College-Recoletos.
"With an eight-team cast, we expect an action-packed series and a higher level of competition," ani Emilio Jun Bernardino, presidente ng organizing Sports Vision Management Group, Inc. (SVMGI). "This is going to be fun and exciting as we envi-sioned it to be."
Ang playdates ay tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado simula alas-4 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended