Magnolia, Granny Goose tumatag

Nagtala ang Magno-lia Ice Cream at ang Gran-ny Goose ng magkahi-walay na tagumpay u-pang mapaganda ang kanilang kartada at ma-kahabol sa mga league leaders ng kasalukuyang eliminations ng 2006 PBL Unity Cup na nagpatuloy sa Far Eastern University gym sa Morayta.

Sumandal ang Mag-nolia Spinners kay Fil-Am Kelly Williams tungo sa 63-57 panalo laban sa Harbour Centre sa ikala-wang laro.

Nakabangon naman sa dalawang sunod na kabiguan ang Tortillos matapos igupo ang Ha-pee-Philippine Christian University, 76-71 sa u-nang laro.

Tumapos ang for-ward na si Williamas ng 23-puntos upang pamu-nuan ang Magnolia na nakabawi sa kanilang pagkatalong sumira ng kanilang two-game win-ning streak.

Ang panalong ito ng Snackmasters at ng Teeth Masters ay nagsulong sa kanila sa 2-2 kartada para bahagyang makalapit sa mga nangungunang Montaña (4-0), Rain or Shine (3-1) at Toyota-Otis-Letran (3-1).

Nakabangon ang Magnolia sa 60-68 kabi-guan laban sa Montaña matapos ipalasap sa Port Masters ang kanilang ikaapat na sunod na pag-katalo sa gayong ding dami ng laro habang bumagsak naman ang Hapee-PCU sa 1-3 kar-tada.

Pinangunahan nina Kelvin dela Peña at Den-nis Concha ang Granny Goose sa pagkamada ng tig-17 puntos habang tinapatan naman ito nina Gabby Espinas at Rob Sanz na may 18 at 17-puntos ayon sa pagka-kasunod.

Granny Goose 76 --Dela Peña 17, Concha 17, Quiñahan 10, Saldua 10, Grijaldo 8, Santos 7, La-tonio 5, Alfad 2, Ibañes 0, Cruz 0, Cervantes 0.

Hapee-PCU 71--Espi-nas 18, Sanz 17, Castro 14, Gonzales 13, Canlas 6, Moreño 2, Belga 1,  Gue-varra 0, Solis 0, Razon 0.

Quarterscores: 16-18, 38-28, 55-48, 76-71.

Show comments