^

PSN Palaro

Basketbolistang OFW

GAME NA! - Bill Velasco -
Kapag tinanong tayo kung ano ang numero unong produkto kung saan makikilala ang Pilipinas sa ibang bansa, iisa lang ang nakagugulat na sagot: tao.

Lalo na sa huling tatlong taon, mga nars at ngayon, medical transcriptionist ang bagong mga overseas Filipino workers na nagliliparan para sa mga ibang lupa.

Subalit may isa pang mas maliit na grupo ng mga Pinoy na naghahanap ng lugar kung saan makakapaghanapbuhay. Sila ay mga basketbolista.

Katatapos pa lamang ng Indonesian Basketball League (IBL), kung saan itinampok ang mga Pinoy bilang mga import, ang mga koponan, na kinabibilangan ng Garuda Panasia, Satria Muda Britama, IM Panasonic, Bhinneka, CLS Good Day, Bima Sankti, Kalila, Angsapura at Citra Satria, ay may tig-iisang import na Pilipino. Nakuha ng Satria Muda Britama sa wakas ang unang kampeonato nito, nang talunin ang napakalakas na ASPAC sa overtime, 81 — 75. Noong nakaraang taon, nanalasa ang ASPAC at hindi nakatikim ng kahit isang talo.

Sanay na ang mga Indonesian na matuto ng basketbol sa mga Pinoy. Noong isang taon, natapos ni Talk ‘N Text assistant coach Bong Ramos ang dalawang taong kontrata bilang head coach ng national team. Ngayon naman, si Boycie Zamar ang naroroon. Ang mga kilalang dating PBA at college players tulad nila Edwin Bacani, Gilbert Malabanan, Romar Menor, Bernard de Guia, Willy Mejia, Arnel Mañalac, Mike Garcia at Rensy Bajar ay nakapaglaro na doon. Ang mga player ay nasa hiwalay na draft para sa mga import.

"Talagang may advantage tayo doon, kasi hind ganoon kataas ang fundamentals nila gaya ng sa atin," paliwanag ni Estong Ballesteros, na huling naglaro para sa Barangay Ginebra noong 2005. Si Estong ay Metropolitan Basketball Association Sixth Man awardee sa Pampanga Dragons. "Parang import talaga ang trato nila sa amin. May respeto sila sa Filipino players.

Karaniwang tumatakbo ng tatlong buwan ang mga laro, at ang apat na pinakamahusay na team ay pumapasok sa playoffs.

"Ang pagkakaiba ay yung edad ng mga player," dagdag ng baguhang si Rob Angeles. "Maramihan sa kanila 20 to 25 year old lang. Yung matatangkad nila, magagaling tumira sa labas. Ang problema lang, yung mga big men nila, walang diskarte sa loob. Pero maganda naman, dahil natutunan din nila kung paano tayo maglaro dito."

"Medyo huli na rin nilang natutunan yung laro, kaya advanced tayo sa kanila," sabi ni Noy Javier, ang top scorer sa 2004 NCAA tournament para sa University of Perpetual Help. "It was my first experience playing as an import. Nalulungkot ako, unang beses ko pa lamang malayo sa amin. Inisip ko lang muna na tatapusin ko yung kontrata ko. Ang madalas nilang sinasabi ay tinitiis na lamang nila yung lungkot dahil maikli lang naman yung kontrata. Gaya ng mga OFW, hinahanap-hanap nila ang mga kaibigan at pamilya, at pati na rin ang mga gimikan dito sa atin, dahil wala daw masyadong mapuntahan sa Indonesia.

"Na-miss ko yung barkada ko rito, at nalungkot din ako na hindi na ako nakapaglaro sa PBA," dagdag ni 2006 IBL Best Import Mike Orquillas, na top scorer noong 1997 Southeast Asian Games bago nabangko sa Barangay Ginebra.

ARNEL MA

BARANGAY GINEBRA

BEST IMPORT MIKE ORQUILLAS

BIMA SANKTI

NILA

PINOY

SATRIA MUDA BRITAMA

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with