Koponan na nasa ilalim magtatangkang bumangon

Pagkakataon ngayon ng mga koponan sa ilalim ng team standings na mapaganda ang kanilang record upang bahagyang makalapit sa mga nasa itaas na grupo sa pagpapatuloy ng aksiyon ng 2006 PBL Unity Cup sa FEU Gym sa Morayta.

Mag-aagawan sa ikalawang panalo ang Snackmasters sa pambungad na laro sa alas-2:00 ng hapon at susundan naman ito ng engkwentro ng Magnolia Spinners at Ports Masters sa alas-4:00 ng hapon.

Magkakasama sa grupo ng mga teams na may 1-2 record ang Tortillos, Teethmasters at Magnolia sa likod ng mga namamayagpag na koponang Montana Pawnshop na may malinis na 4-0 win-loss slate.

Show comments