^

PSN Palaro

Dapitan tankers humakot uli ng 11 golds

-
Muling humakot ang Dapitan Swimming Club ng Sampaloc ng 11-golds sa pagbibida ng tanker na si Ingrid Ilustre upang pantayan ang kanilang produksiyon sa unang araw ng kompetisyon para manatili sa pang-kalahatang pamumuno matapos ang Day 2 ng 5th Manila Youth Games.

Matapos humakot ng apat na gintong medalya, nagsubi uli ang 10-gulang na si Ilustre ng apat na ginto matapos ang kan-yang tagumpay sa 100 meter free, 50-meter fly, girl’s 10-and-under 50-meter back at 100-meter free ng 10-and-under girls division sa Rizal Memorial Swimming Center, upang pamunuan ang Dapitan White Whales sa pag-sulong sa 22-golds bukod pa sa 21 silvers at 19 bronzes.

Pinarisan ng Jose Abad Santos ang 11-golds na produksiyon ng White Whales sa kanilang pagdomina sa rhythmic gymnastics na ginanap sa Rizal Memo-rial Coliseum kung saan nagbida naman si Mage Wagan at Bleau Berry Gulfan.

Naisubi ni Wagan ang ginto sa rope, hoop, ball, ribbon at ang individual all around event ng category II 13-15 years old cate-gory ng level B advance gayundin si Gulfan sa category III 16-years above para sa Jose Abad HS na nanatili sa ikala-wang puwesto taglay ang 20-golds, walong silvers at limang bronzes.

Pinarisan ni Joselito Vinluan ang walong ginto ni Ilustre nang kanyang makopo ang gold sa 100m free, 100m back, 100m fly at 50m free ng boys 11-12 division para sa Manila Seahawks na nasa ikatlong puwesto na may 17-golds, 19-silvers at 11-bronzes kasunod ang  Philippine Colum-bian na may 15-13-20 gold-silver-bronze na produksiyon.

Nasa ikalimang pu-westo naman ang sa event na ito na  para sa mga kabataang 17-gulang at pababa at hatid ng Converse sa tulong ng Philippine Sports Com-mission, PAGCOR, San Miguel Corporation, Super Ferry, Montaña Pawnshop, Globe Telecoms, Milo, Air21, IntrASports at Concept Movers, ang Antonio Herrera Elem. School na may 12-8-2 gold-silver-bronze na produksyon.

Pumukaw din ng pansin sina Rizza Desiree Garcia at Althea Jocosol na naka-sweep ng apat na gold (rope, hoop, ball at individual all-around) sa category 1 12-under level B advance at category II level A beginners girls 13-15 years old category ayon  sa pagkakasunod para sa Carlos P. Garcia na may 9-6-8 gold-silver-bronze na produksiyon. (CVOchoa)

ALTHEA JOCOSOL

ANTONIO HERRERA ELEM

BLEAU BERRY GULFAN

CARLOS P

CONCEPT MOVERS

DAPITAN SWIMMING CLUB

DAPITAN WHITE WHALES

GLOBE TELECOMS

ILUSTRE

INGRID ILUSTRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with